“Malayo man sa Pilipinas ay
nakatuon pa rin ang isipan ni Bong-Bong na pagsilbihan ang kanyang lupang
sinilangan. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at pinaghusay niya ang
kanyang kakayahan habang pinapangarap niyang muling makauwi sa Pilipinas sa
lalong madaling panahon.”
BAGO KO simulan ang pitak na ito, gusto
ko munang magkaroon ng disclaimer. The following article below is not a “paid
article”. Nakatuwaan lang. Bakit parang defensive ka? Well, para lang maliwanag.
Kasi noong Biyernes. pinahanga ako sa press con at sa galing sumagot nitong si
Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr.
Eto na… Sa loob ng 17 taong
paglilingkod-bayan, si Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr. ay nakapagtala na ng
mga natatanging karanasan bilang isang mambabatas, opisyal ng pamahalaan,
administrador. Ito ay nangyari malayo sa kisap ng kamera pero malapit sa puso
ng balana sa rehiyon ng Ilocandia.
Maagang nasabak si Bong-Bong sa
hamon ng serbisyo publiko dahil nasaksihan niya kung paano naging deboto ang
kanyang mga magulang sa paglilingkod bayan sa loob ng higit sa dalawang dekada.
Sa kanyang murang edad na 23, nahalal siya bilang bise gobernador ng Ilocos
Norte.
Ang mga pangyayari pagkatapos ng
Edsa Revolution noong 1986 ay pumuwersa sa mga Marcoses na iwan ang bansa.
Malayo man sa Pilipinas ay nakatuon pa rin ang isipan ni Bong-Bong na
pagsilbihan ang kanyang lupang sinilangan. Pinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral at pinaghusay niya ang kanyang kakayahan habang pinapangarap niyang
muling makauwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Matapang na umuwi si Bong-Bong
kahit na malaki ang posibilidad na siya ay arestuhin ng bagong rehimen kaya’t
siya ang kauna-unahan sa pamilya na nakabalik sa bansa noong 1991.
Sa pagtunto niya sa lupain ng
Pilipinas ay hindi siya nag-atubili na agad na muling maglingkod sa kanyang mga
kababayan na una niyang pinagsilbihan. Kaya sa ganoon ding taon, siya ay
nahalal sa Kongreso bilang Kinatawan ng Segunda Distrito ng lalawigan ng Ilocos
Norte.
Ang ilan sa mga markadong batas na
kanyang inakda ay ang pagtatayo ng Philippine Youth Commission. Naging
kasangkapan din siya para isulong ang kapakanan ng mga kooperatiba sa
pamamagitan ng paglalaan ng kanyang Countryside Development Fund (CDF) sa
pag-oorganisa ng samahan ng mga guro at magsasaka sa kanyang lalawigan.
Noong 1998, si Bong-Bong ay
nanalong gobernador ng Ilocos Norte kung saan siya ay nagsilbi ng tatlong
magkakasunod na termino. Sa kanyang siyam na taon bilang gobernador, binago
niya ang Ilocos Norte tungo sa pagiging First Class na probinsiya. Kanyang
ipinakita na ang Ilocos Norte ay destinasyong pangturista dahil sa likas
nitong kagandahan at kahusayan sa pangkulturang turismo. Sa kanyang liderato,
naging kauna-unahan ang Ilocos Norte sa paggamit ng wind power technology na
nagsilbing alternatibong pinagmumulan ng pangangailangan sa enerhiya ng kanyang
lalawigan at mga kalapit bayan.
Noong 2007, siya ay nahalal muli
bilang Kinatawan ng Kongreso kung saan nagsilbi siya bilang Deputy Minority
Leader. Sa panahon ng kanyang termino, ang isa sa mga mahahalagang batas na
kanyang inakda ay ang Philippine Archipelagic Baselines Law o ang Republic Act
No. 9522.
Unang nasilayan ni Bong-Bong ang
liwanag noon Setyembre 13, 1957. Siya ang pangalawa sa mga anak ni dating
Pangulong Ferdinand Edralin Marcos at dating Congresswoman Imelda Romualdez
Marcos. Nag-aral siya ng elementarya sa De La Salle College. Natapos niya ang
kanyang pag-aaral sa sekondarya sa WorthSchool sa England
at tinamo niya ang kayang kurso sa Political Science, Philosophy at Economics
sa OxfordUniversity noong 1978. Natapos niya ang
kanyang Masters sa Business Administration mula sa Wharton School of Business.
Siya ay kasal kay Atty. Louise
Araneta at napagkalooban sila ng tatlong anak na lalake.
Iyan ang asikasong Bong-Bong na
ginawa niya sa Ilocos. Asikasong itutuloy niya sa buong bansa.
Tutu mo iyan? Iboto me pa, bang
mabalu!!!
***
Kung may puna, lumiham at ipadala
sa joeley01@yahoo.com o
tumawag sa 09063900920.