“Siguro
kailangang mag-aral itong si Javier at ang kanyang kapulisan sa seminar ng
Human Rights at Constitution na dapat sana,
sila ang unang nagtatanggol. Pero sa pagtatago nila ng ilang dokumento para
pagtakpan ang isang pagkakamali ng taong inirereklamo ay maaaring ilarawan
nating isang uri ng krimen sa loob ng kapulisan.”
KUMUSTA ka na Aling Iska? Mayap
naman bro. Ayne keng saup ning Guinu, pasibayung mibalik ing kekatang mewalang
sikanan pauli na ning sakit na ali tana man asahan. Nagkaroon tayo ng
Hypertension Stage II- tumaas ang blood pressure mula sa normal na 120 over 90
tumaas ng 170 over 110. Tumaas ang ating sugar at nagkaroon ng sebo ang dugo.
Ito ay ayon kay Dr. Amiel Valerio, ang ating attending physician.
Well, first time nating naranasan
iyan sa oras pa naman at lugar na hindi natin inaasahan. Nangyari iyan sa SM Clark noong nakaraang linggo – Martes ng hapon. Pero sa
ganitong pagkakataon na hilong talilong ang ating naramdaman, may mga
nagsilitawang unsung heroes. Ito ay sina Venus Manalang, PR ng SM Clark, Leonor
Rivera at Dr. Batac, nurse at resident doctor ng SM Clark. Kasama na ang mga
security guards na umalalay sa atin. Ang nagdala sa atin sa ospital ay ang mga
staff ni Barangay Captain Tony Mamac na nagmagandang loob ng kanyang sasakyan
makarating lang tayo sa Mother Theresa of Calcutta Medical Center sa Lungsod ng
San Fernando.
Nandoon din si Kapatid na Conrado Buan, ang aking mahal na esposa na si Elaine
Mapiles, ang aking mga kapatid, katrabaho sa Central Luzon Daily at ang mala
anghel kong kaibigan na si Deng Pangilinan at siyempre naroon din ang suporta
ng PhilHealth at ni Nanay Baby. Sila ang mga buhay na bayani ng aking panahon.
Saludo ako sa inyo. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha.
Bakit naman biglang lumobo ang
iyong blood pressure?
Maraming contributing factors.
Una, hindi tayo naging maingat sa pagkain ng kung ano-anong masarap sa panlasa
–maalat, matamis, mataba, makolesterol at kung ano-ano pa. Nagkulang tayo sa
ehersisyo. Kaya ang tendency nag-overweight tayo. Tumaba ng kaunti, lumaki ang
tiyan at laging sumasakit ang ating ulo noong mga nakaraang araw.
Sa araw ding iyon ay napakahapdi
sa balat ng sikat ng araw. Subalit sa kabila ng gayong situasyon ay tumulak pa
rin tayo sa Station 5 ng AngelesCity kasama si Marna
Dagumboy para humingi ng kapirasong police blotter para beripikahin ang isang
natsitsismis na insidente.
Dahil sa hindi natin ugali na
manira ng kapwa o magsulat ng walang basehan, pilit nating hinanap ang
katotohanan sa ngalan ng patas na pagbabalita, pero ito ay ipinagkait ng
Station 5 ng Siyudad Angeles. Blotter yamu, pisala-salikut de pa.
Kami sa pahayagan ay kumikilala sa
karapatan ng bawat isa. Kaya tinitingnan namin kung ang isang balita ay isang
uri lamang ng paninira para paboran ang interes ng iba o isang interesanteng
balita na kapupulutan ng magandang aral. Dahil panahon ng halalan, titimbangin
lang sana namin
kung ang police blotter ay may bahid ng pulitika. Kung mayroon, hindi kailanman
kami magpapagamit. Kaya lang, hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Station 5.
Sa hindi sinasadya, ating
nakadaupang palad ang bagong talagang Station Commander na si PCI Rogelio C.
Javier na ilang minuto lang na nauna sa amin sa himpilan.
Nagkaroon kami ng maikling
paliwanagan dahil sa ayaw nilang ipalabas o ipakita man lang sa amin ang police
blotter, dahil ito raw ay labag sa batas dahil involved daw ang isang babae.
Pero ang totoo, isang dating pulis ang nagrereklamo at hindi babae.
Nilekturan pa si Aling Iska ng “balanced
reporting”. Ba.ba.ba!!! Dito na
nga tumaas ang presyon ni Aling Iska. Bakit naman? Hindi kasi alam ng Commander
ang kanyang sinasabi. Sa layuning itago ang police blotter, kumatha siya ng mga
kuwentong salat sa katotohanan. Ang totoo, parang hindi nagbabasa si Javier ng
Saligang Batas na nagsasabing ang lahat ay may karapatan sa “access to
information”. Siguro kailangang mag-aral itong si Javier at ang kanyang
kapulisan sa seminar ng Human Rights at Constitution na dapat sana, sila ang unang nagtatanggol. Pero sa
pagtatago nila ng ilang dokumento para pagtakpan ang isang pagkakamali ng taong
inirereklamo ay maaaring ilarawan nating isang uri ng krimen sa loob ng
kapulisan.
Kaya sa puntong ito, masasabi
nating ang Station 5 ng AngelesCity ay bagsak sa
pagkilala sa karapatang pantao at sa Saligang Batas. Ang Station 5 ay kalaban
din ng patas at karapatan sa pamamahayag.
Buri mong sabian, ing Station 5
ning Siyudad Angeles, anti-media ya? Sinabi mo pa. Tiran
me ken. Mag-aral at magbayu ka, Station 5.